Interesado ka pa ba dito, ANO ANG IDEAL LIFESTYLE MO?
- Gusto mo pa bang ikaw mismo ang magdesign ang Ideal Lifestyle mo?
- Bakit ba mahalagang ilagay sa number 1 list of priorities ang pagdesign ng Ideal Lifestyle?
- Ano ba ang nagiging sagabal o pumipigil sayo para gawin ang mga bagay na gusto mo?
- Ano ba ang tunay o eksaktong problema sa pagpaplano ng Ideal Lifestyle?
Kung interesado ka pa sa bagay na yan, mahalagang mabasa mo ang article na ito. Ito ay summary ng mga bagay na natutunan ko mula sa book na nabasa ko sa internet. Sa ngayon tinatry ko na iapply sa sarili ko ang mga bagay na natutunan ko at isisnishare ko na rin sayo.
Naniniwala ako na - "Isa sa dapat mong ipamahagi ay ang bagay na nakabubuti sayo."
IDEAL LIFESTYLE
To live your ideal life you must first imagine what it looks like.
Ang unang dapat mong gawin ay ilarawan mo sa isip mo o iimagine mo ang Ideal Lifestyle na gusto mo. Mas mabuti kung di ka mag-iisip ng komplikado. Ang goal ng activity na to ay upang mamalaman mo kung ano ang ideal lifestyle para sayo.
Gumawa ka ng isang list. Ganito, isulat mo sa isang papel yung mga bagay na talagang gusto mo mangyari, gawin o mapasayo. Hindi masyadong mahalaga kung makatotohanan o parang imposibleng mangyari ang mga bagay na isusulat mo, ang mahalaga ay maging malinaw ang idea mo tungkol sa Ideal Lifestyle na gusto mo.
Ano ang nagiging sagabal o bagay na pumipigil sayo?
Pag-usapan naman natin ang mga bagay na nagiging hadlang o dahilan mo at ang idea mo tungkol sa Ideal Lifestyle na prefer mo. Pagkatapos nito, pag-aaralan natin kung papaano malalapatan ng solusyon ang mga bagay na pinoproblema mo upang mapasimulan mong gawin ang idea lifestyle mo.
Mga bagay na pumipigil o hadlang sa Ideal Lifestyle mo.
- Bakit maraming sa atin ang di makapamuhay ayon sa Ideal Lifestyle na gusto natin?
- Mga bagay na dapat nating gawin upang masolve ang problemang ito.
Isang bagay na mahalaga mong malaman na ang mga sagabal na ito ay hindi masamang bagay. Nararanasan mo lang ang mga bagay na ito kapag gumgawa ka ng mga pagbabago at kung iniisip mong baguhin ang kalagayan ng pamumuhay mo - ngayon normal lang na makita at maranasan mo ang mga bagay na ito.
Ang totoo ang mga sagabal na yan ay normal lang na palaging nakahadlang sayo kahit ano pa man ang maging idea mo o vision mo tungkol sa Ideal Lifestyle. Kadalasan, nag-iiba lang ito ng level kung gaano kahirap kaya dapat ang solusyon na makita mo ay yung kayang iovercome ang mga problema na 'to.
Pinakamalaking hadlang na madalas nating nararanasan.
Sa palagay mo mabuti ba na may idea ka kung ano ang Idea Lifestyle na gusto mo? Pero bago mo magawa ang mga bagay na gusto mo laging present ang 2 malaking problema na to…
Time and money
Halimbawa gusto mong lumabas o magspend ng time mo para sa pamilya mo, kaibigan, katrabaho at sa mga taong gusto mong makasama o kaya naman gusto mong magtrip na hobbies mo. Para magawa mo ang bagay na'to kailangan mo ng oras at pera. Ang pagspend ng time sa pamilya ay maaaring libre o di mo kailangan ng pera pero dahil sa sobrang busy mo sa trabaho para kumita ng pera, mahirap para sayo na makapagset o makahanap ng oras mo para gawin ang bagay na to.
Dapat mong maintindihan ang matalinong paggamit sa dalawang bagay na ito, dahil malaki ang kinalaman nito sa naituro sayo kung papano mo ginagawa ang nakagisnan mong paraan ng pamumuhay.
Isa sa mahalagang bagay na dapat nating matutunan ay kung paano tayo magkakaron ng sapat na oras at pera para gawin ang ideal lifestyle na gusto natin.
at iconsider mo rin ang isang napakahalagang asset mo.
May mga taong nagagawang makapag-acquire o magkaron ng enough na oras at pera para magawa ang ideal lifestyle nila, pero kadalasan habang gingawa nila ang oras at pera nasasacrifice nating ang pinakamahalagang asset na meron tayo....
Health
Balewala lang ang time and money freedom na meron ka kahit gaano pa ito karami o kalaki kung hindi maganda ang kalagayan ng health mo. Makikita mo ang mga halimbawa nito sa marami sa mga magulang natin. Halimbawa ang isang retiradong empleyado na may mataas na posisyon sa company at nakaipon maraming pera sa bangko. Nagdesisyon o nakaranas ng force retirement at dahil retire na sya meron na rin syang time freedom.
Ano sa palagay mo ang pumipigil sa kanya para gawin ang ideal lifestyle na gusto nya? Isang siguradong sagot - ito ay ang kalagayan ng health nya. Dahil ang taong ito ay nagmula sa generation kung saan ito ang itinuturo "work hard all your life and enjoy the fruits of your labor in
retirement." Alam ko at alam mo kung ano ang mga naging resulta nito at hindi na to applicable sa panahon natin ngayon.
isa rin sa bagay na dapat mong bigyang pansin ay ang yung Relationship.
Sigurado ako na marami sa atin na ang Ideal Lifestyle ay syempre yung makasama natin sa buhay yung mga special person para sa atin. Kasama rito yung special someone na gusto nating pagbuhusan ng panahon natin, mga kamag-anak, mga kaibigan at mga bagay na gustong gusto nating makamit at gawin.
Ang unang nagiging problema rito ay dahil hindi naman tayo average person. Ibig sabihin ilan lang yung mga taong nakakaintindi sa mga kabaliwan at pangarap na meron ka, Ibig sabihin bago ka magkaron o bago mo magawa ang time and money freedom mo , kaunting tao na lang ang available para makahang-out mo dahil karamihan sa kanila nakastuck sa trabaho nila.
TO BE CONTINUED PO - MAHABA ANG LESSON NA ITO AT GUSTO KONG MAISHARE AT MAGING BAHAGI KA NITO.
Richard Bleza
Team UPLINE - Ulitmate Ninja
member