Friday, January 31, 2014

Motto ng isang Ultimate Ninja

"If you believe that you have  the ability to change your life or someone's life, put that ability to use."
Motto ng isang Ultimate Ninja

Ano ang unang bagay pumapasok sa isip mo sa tuwing naririnig mo ang salitang ito; "MAHIRAP", "DELIKADO", "IMPOSIBLE" o "SAYANG LANG"? Ito ay mga negatibong salita at kadalasang nagiging excuse ng karamihan sa atin para tuldukan ang isang bagay na ipinalalagay nilang hindi nila kayang gawin.

Halimbawa: bilang NEGATIBONG tao

MAHIRAP singilin ang taong walang pambayad sa utang.

DELIKADO kung pipilitin mo silang magbayad lalo na kung mainit ang ulo nila dahil wala silang pera.

IMPOSIBLE na ngumiti sila at magpasalamat sayo sa tuwing ipaaalala mo ang ginawa mong kabutihan tulad ng pagpapautang mo sa kanila.

SAYANG LANG ang oras mo sa paniningil sa kanila kaya mas makabubuti sayo kung kakalimutan mo
nalang na may utang sila sayo.


Halimbawa: bilang POSITIBONG tao

MAHIRAP hindi maningil ng utang lalo na kung walang plano magbayad ang taong pinautang mo.

DELIKADO kung pababayaan mong makalimutan ng taong may utang sayo na bayaran ka lalo na kung sinisingil ka na rin  ng pinagkakautangan mo.

IMPOSIBLE na wala kang maisip na paraan para maiparealize mo sa taong may utang sayo na kailangann bayaran ka nya.

SAYANG LANG ang pera at paghihirap mo sa paniningil kung basta mo nalang kakalimutan ang mga utang nila sayo.


Halimbawa: bilang ESTADO sa buhay

MAHIRAP ang buhay mo kaya kakalimutan mo nalang na may mga pangarap ka, masyado kang busy at kailangan mo ng mahabang oras para maghanap buhay upang may maipang bayad sa mga taong
pinagkakautangan mo.

DELIKADO ang lagay ng financial mo kaya hindi ka makagawa ng ibang bagay kahit pa para sa sarili mo.

IMPOSIBLE at parang wala na talagang solusyon sa problema mo na kahit pa magtrabaho ka ng 24/7 dahil sa liit ng kinikita mo kumpara sa pang araw-araw na pangangailangan mo.

SAYANG LANG ang lahat ng sakripisyo at pagpapagod mo sa mahabang panahon ng pagtatrabaho mo dahil pagtanda mo ay wala kang naipon at ang benipisyo na matatangap mo ay kalahati nalang ng dating salary mo na pinagtiisan mo ng mahabang panahon at kailangang doblehin mo ang pagtitipid mo ngayon.


              Kung nakarerelate ka sa mga nakasulat dito, malamang isa ka sa nangangailangan ng pagbabago. Dahil naniniwala ang Ultimate Ninja Team sa aming motto, gusto naming maishare sayo ang isang SYSTEM na makapagpapabago ng buhay mo. Kung saan ang mga salitang MAHIRAP, DELIKADO, IMPOSIBLE at SAYANG LANG ay ginagamit hindi upang tuldukan ang mga bagay, kundi upang maging guide mo ito at upang makita mo kung papano sinisimulan ang pagbabago lalo na kung wala kang idea kung papano ito ginagawa.



Masayang pagbabasa.


Richard Bleza
Member
Ultimate Ninja Team




No comments:

Post a Comment