Sunday, February 9, 2014
Getting Involve into Business
Let us face the reality.
These are information not a trivia:
Php 12,000.00 to 15,000.00 /month - ito yung range ng income na kaya igenerate ng isang regular or contractual workers, best budget eto lalo na kung wala kang plano mag-asawa. Kung may plano ka naman mag-asawa magsipag ka lang mag-Over Time, doblehin ang haba ng oras ng trabaho, ibudget ng mabuti ang kikitain sa OT at isave para may maipangbayad ka sa doctor at gamot pagnagkakasakit kana dahil sa sobrang pagtatrabaho mo. Masakit pa nito wala kang secure na retirement.
Php 20,000.00 to 25,000.00/month - income to nung mga nasa managerial position, fix rate at most of the time di pwedeng magfile ng OT, need to be very flexible dahil anytime pwede ka tawagan ng management to report on your duty at kahit nakauwi ka na, expect mo lang ang tawag ni boss about sa operation for the next day. Medyo masakit pero para kang prisoner na nakaresidential arrest at katulad ng halimbawa sa taas, dahil sakto lang rin ang kinikita mo sa life style mo, wala ka ring secure na retirement.
Php 30,000.00 to 60,000.00/month. Sila yung mga tao na pinipiling lumabas ng bansa at malayo sa mahal nila sa buhay para lamang maitaguyod ang kanilang pamilya. Itinuturing silang bayani tulad ni "Santa Claus". Kadalasan, nakatatanggap sila ng mahabang listahan ng kung anu-anong mga bagay kahit malayo pa ang pasko at dumodoble ang haba ng listahang ito lalo na kung nalalapit na ang pagbalik nila sa bansa. Inaakala ng mga nakakikilala sa kanila na Money Picker ang trabaho nila sa labas ng bansa. Karamihan sa kanila ay nag kakaron ng malaking savings ngunit nauubos rin agad sa bawat pagkakataon na nagbabakasyon sila sa kanilang trabaho kaya kinakailangan nilang bumalik sa bansa kung saan sila nagtatrabaho.
Php 70,000.00/month and above - magegenerate mo lang ang ganito kalaking income kung isa ka sa mga taong pumapasok sa business industries, at handang maglabas ng malaking capital, may mahabang oras para matutukan ang business at dapat marami kang energy para harapin ang mga concern ng ibat -ibang department ng business mo, tulad ng Accounting, Payroll and Book keeping, Logistics and Inventory, Human Resources and Costumer Service at syempre Marketing and Sales. Kailangan mong aralin ang lahat ng yan para masigurado mo na magiging maayos ang takbo ng business mo.
Sinubukan mo na bang tanungin yung sarili mo ng ganito - "Bakit may mga taong kumikita lang ng halos 100,000.00/year at meron din namang iba na kayang kumita ng 1,000,000.00/year o higit pa?" Ang sagot - Yung taong kumikita ng 1,000,000.00/year ay 10x na mas effective gumamit ng mga resources nya para magkaron ng ganitong klaseng resulta, kumpara sa mga taong kumikita lamang ng 100,000.00/year.
"Believe it or not we have the same resources and maybe in different amount. The amount is a big factor but most specially your effectiveness on how you will handle your resources right, to get the result you want."
Tanong -
Handa ka na bang pumasok sa business industries para makaggenerate ka ng malaking income na gusto mo?
Papaano kung wala kang malaking capital na magagamit sa pagbibusiness? o wala kang idea kung papaano magbusiness.
Ang totoo pwede mo sabihing "konti lang ang pera ko." pero kung ang sasabihin mo ay "wala akong pera", di ako maniniwala lalo na kung 22 years old kana at di naman mayaman ang pamilya mo para gawin kang design sa sala nyo. Katulad ng sinabi ko, yung mga taong kumikita o may kakayahang kumita ng 1,000,000.00/year ay matalinong gingamit ang resources nila. Isa ang PERA sa mga resources na to. Lahat tayo ay may pera, hindi lang amount ang pinag-uusapan dito kundi yung effectiveness mo sa pagamit ng pera para magkaroon ka ng result na gusto mo gaano man kaliit o kaunti ang pera na pagsisimulan mo.
Tungkol naman sa lack of idea mo sa pagbibusiness dapat ay handa kang aralin ang business dahil malaki ang magiging pakinabang mo dito. Isipin mo nag-aral ka ng halos 10 years kung high school graduate ka o 12 years kung associate course ang natapos mo o 14 years kung degree holder ka, para lang kumikita ka ng minimum wages (150,000.00/year) o mas mataas lang ng kaunti kung mapupunta ka sa managerial posistion, Hindi naman siguro masama ang additional 6 months course para magkaroon ka ng potential income na 1,000,000.00/year o higit pa. Tanong mo - "May ganito ba talagang course o business?" ang sagot "Oo." Isa ako sa kumuha ng course na to. Marami ng taong nagpakita sakin ng result nila pagkatapos nilang gawin to, at habang inaaral mo ang course na to marerealize mo kung bakit ito ang pinakamagandang business na pwede mo simulan.
"BUSY AKO."
Ang tanong ko "saan ka busy?" kung feeling mo ay nagagamit mo ang buong oras mo at halos kulang ang 24 hours/day sayo at sa mga ginagawa mo, e malamang, busy ka nga. Tanong ko ulit - "Ok ka na ba sa pagiging busy mo?" kung Oo man o Hindi ang magiging sagot mo panigurado tama ka. Ang ORAS ay gingawa at hindi hinihintay kung kelan ka magkakaroon ng panahon sa mga priority mo. Kung di mo ito magagamit ng effective malamang masayang ang buong oras mo at kulangin ito para sa mga plano mo gawin. Isa rin ang ORAS sa mahalagang resources na sinasabi ko. Kaya nasasayo ang decision kung sa palagay mo na sa ginagawa mo ay nakukuha mo na ang result na gusto mo at wala ka nang planong dagdagan pa kung ano ang meron ka ngayon. Congratulations.
"Marami akong ginagawa, di ko sigurado kung kaya ko pang gawin yan."
Totoo, hindi lang tayo busy kundi pagod na rin tayo sa mga ginagawa natin sa araw-araw. Kung ganito ang takbo ng buhay mo at nararamdaman mong tumatanda ka na pero walang nagbabago sa senaryo ng araw-araw na pamumuhay mo, hindi na ito nakakatuwa. Try ka nang bago., maiba naman! Sayang ang ENERGY kung nauubos lang sa mga bagay na di mo naman gusto gawin o di mo naman napapakinabanganng maayos. Nasubukan mo na bang pumila sa ATM machine pag pay day tapos nung ikaw na yung magwiwithdraw e out of order na? o kaya naman meron kang unlimited load for 1 day di mo nagamit dahil nasa work ka tapos nung gagamitin mo na para mag text mababasa mong "you don't have enough balance in you account." asar di ba. lahat yun ay pinag hirapan mo. Ngayon, kung meron kang malalamang bagay na kapag ginamit mo yung Energy, Availability and Money na meron ka kahit tag kakaunti lang at naifocus mo ito sa isang 6 months business course na may potential income na 1,000,000.00/year o higit pa. Ano kaya ang magiging sagot mo?
"Handa ka na bang magbusiness?"
Richard Bleza
Ultimate Ninja Team
member
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment