Sagot : Ang Multi-level Marketing (MLM) ay isang unique na method kung saan ang isang manufacturer ay nagmomove ng product sa market na halos direct sa consumer gamit ang mga sales representative o mas kilala bilang Distributors. Hindi na rin ito dumadaan sa isang typical na magastos, mahaba at mabagal proseso ng marketing at sales. "Hindi short-cut ang tawag dito, simplification." Para mas maging maliwanag bibigyan kita ng example.
Ang mga company na gumagamit ng MLM method ay hindi kinakailangang mag hire ng sarili nilang sales representative kaya nakakatulong ito upang maibaba ang cost ng operation expenses na nacocover ng payroll, nakatutulong rin ang Multi level Marketing method upang maibaba ang advertising expenses ng isang company at makapagbigay ng opportunity sa lalong maraming tao na nagnanais na pumasok sa ganitong klase ng business, sa pamamagitan ng pagshare ng product and oppotunity o yung tinatawag na SHARING mas kilala bilang INDIRECT SELLING or SPONSORING. Ang pagseshare ng product at opportunity sa public ay nagiging alternative ng advertisement. Kung magpapaadvertise ng product ang isang company, kailangan nilang magbayad ng malaking halaga para sa "Talent fee" ng celebrity para iadvertise nito ang product ng company at dahil dito isang tao lang ang nakikinabang sa malaking fund na ito ng company para sa kanilang advertisement. Ang isang MLM Company ay gingamit ang malaking halaga na ito para gawing compensation ng mga members.
"Kung may pagkain sa mesa at sobrang busog ka na, ipamahagi mo sa iba nang di ka madisgrasya."
Bilang pagbibigay linaw, ang isang MLM Company ay hindi naghahire ng kanilang sales representative, kaya nga mga taong nagiging sales representative ng company na nagpapractice ng MLM method ay tinatawag na Independent Distributor, ibig sabihin, ang sinumang independent distributor ay nagkakaroon ng sarili nyang business gamit ang Opportunity ng isang MLM Company through PARTNERSHIP. Dahil independent ang distributor wala itong nakukuhang sweldo mula sa company ngunit malaya ang isang Independent Distributor na gamitin ang pangalan ng MLM Company, ang PRODUCT at ang lahat ng RESOURCES na nakapaloob sa MLM SYSTEM upang makapagsimula ng sariling business. "Sa mundo ng business, mabuti ang makishare, pero mas mabuti kung isa ka ring Owner."
Membership Privileges ng Independent Distributor sa MLM Company
1.) Gamit ang opportunity ng MLM Company, maliit na lamang ang capital na kailangan bitawan ng isang Distributor sa pagsisimula sariling business.
"Pakatandaan sa mundo ng business isang bagay lang ang totoong libre... Ang Magarap."
2.) Ang Distributor ay nakatatanggap ng special distributor discounted price sa mga product ng MLM Company, dahil dito tumataas ang potential income ng isang distributor gamit ang RETAILING - ito ay sa pamamagitan ng discounted product price na nakukuha ng isang distributor at pagseshare ng product sa market under suggested retail price. May kalayaan din ang distributor na magbukas ng sarili niyang store under certain terms and conditions ng MLM Company.
3.) Ang Distributor ay tumatanggap rin ng sales commission mula sa kanyang DIRECT SALES output o yung mga product na binibili ng mga costumer hanggang sa kanyang personal purchased product. Iba ito sa discounted price na naeenjoy ng isang distributor. To make it clear this is a Sales Bonus.
4.) Ang isa sa pa sa reason ng pagamit ng MLM method ay upang maximize ang potential income ng MLM Company at ng mga taong naiinvolve o pumapasok sa MLM SYSTEM. Gamit ang concept ng SPONSORING - isang bahagi ng MLM kung saan ang isang Distributor ay may kalayaang bumuo ng gruop o organization upang mapalaki ang sales output at upang mamaximize ng distributor ang kanyang potential income. Ang isang distributor ay kinakailangang magcommit sa mga tao, kung kanino nya naishare ang opportunity, maituro ang buong papapatakbo ng MLM business at siguraduhing natutunan nito ang buong system ng MLM method upang mapakinabangan ito sa parehong paraan ng mga taong nagdecide maging bahagi ng kanyang group. Ang mga taong ito ay tinatawag na DOWNLINES. Ito ang bahagi ng MLM method na bumubuo ng MULTI-LEVEL system. Ang Ditributor na bumuo o nagpasimula ng group ay nakatatanggap ng overriding commission mula sa buong sales na nagegenerate ng lahat ng member ng group. "Kung gusto mong mapagaan at mapadali ang trabaho, mag-invite ka ng taong matutulungan mo at makatutulong sayo."
5.) Isa pa sa bahagi ng MLM method ang UNILEVEL - ito ay pagrecognize sa hard work na ginagawa ng mga distributor para maabot ang sales quota na isiniset ng MLM Company. Nagkakaroon ng ibat-ibang rank ang mga distributor dipende sa kanyang sales output at result ng buong gruop na binuo ng distrbutor. Ang pagiging consistent ng buong group sa pag-abot ng sales quota ay nakatutulong sa isang distributor para mapataas ang kangyang rank at makakuha ng panibaagong compensation base on percentage share sa sales output ng buong group na ginawa nya. Ang percentage commission mula sa sales ng buong gruop na matatanggap ng isang distributor ay nakadepende sa kanyang rank.
Bukod dito nagbibigay rin ang mga MLM Company ng iba pang bonuses sa bawat pag kakataon na naka aabot sa sales quota ang isang distributor gamit ang kanyang buong group Tulad ng Vacation trip all expense by the company.
Eto pa, may mga MLM Company na nagbibigay rin ng scholarship program para sa mga beneficiaries ng member nila. Free Medical check up, special discount privileges sa mga establishment na tie up nila, Free training course, Business KIT, life insurance at marami pang iba. kadalasan natatanggap ang lahat ng ito pag katapos mong mag join at magdecide na magsimula ng business bilang Business Partner ng MLM Company, at katulad ng nabanggit ko kanina "Maari ka nang magsimula ng sarili mong business sa mas maliit na capital gamit ang opportunity ng MLM Company."
Dapat mong malaman:
-Hindi madali ang pagsisimula ng business na ito, maaaring kasing hirap ito o mas mahirap pa sa ginagawa mo sa ngayon, pero kung ang pag-uusapan natin ay potential income ng business na ito, para kang tumaya sa lotto, ang pinag kaiba nga lang "ikaw ang kukuha ng numero na gusto mo para makuha mo ang jackpot price."
- Hindi lahat ng pumapasok sa business na ito ay tumatama ng jackpot price, kung di mo matututunan ang pinakamahalagang bahagi ng MLM method at di mo ito maiaaply ng tama sayo, h'wag kang umasa na yayaman ka, pero may dalawa kang choices sa pagpasok sa business opportunity na ito, iconvince mo ang sarili mo na kaya mong gawin ang mahirap na pagsisimula ng business na ito o sabihin mo sa sarili mo na hindi mo talaga ito kaya at magpractice ka nalang ng endurance training para tumaas ang stamina mo bilang paghahanda sa mas mahirap na buhay sa darating pang mga taon. Kung alinman dyan ang paniniwalaan ng sarili mo, panigurado TAMA KA!
TADAAN :
"Hindi lang para sa mayayaman ang patatayo ng Business, kaya ka nagbibusiness para YUMAMAN."
Tanong: Bakit kailangan mong YUMAMAN?
"Dahil may PANGARAP ka, at alam mo sa sarili mo na di mo magagawa o maaabot ang pangarap mo kung Naghihirap ka."
Ikaw naman ang tatanungin ko.
Bakit Kailangan mong mainvolve sa Multi level Marketing Business?
Richard Bleza
Ultimate Ninja Team
member
No comments:
Post a Comment