Saturday, February 22, 2014

Bakit mahalagang mabasa mo to?

Ishare ko lang, pagkatapos ko kasing marinig at mabasa ang mga lesson na ito may narealize ako, at baka sakaling makatulong rin ang lesson na ito sayo. Malaking bahagi ng lesson na ito ay nagmula sa isang successful team leader na kinabibilangan ko ngayon.

Narinig mo na ba ang salitang Rat Race?

Ayon sa  dictionary - Rat Race is a way of life in which people are caught up in an endless, self-defeating, or pointless pursuit.


      Medyo malalim at walang eksaktong meaning ang salitang ito. Sa pagkakaintindi ko, ito ay naglalarawan sa isang taong nalalagay sa isang paulit-ulit, mahirap, nakakasawa, at walang patutunguhang proseso ng buhay. 


   Marami sa atin ang nakararanas ng ganito ngunit dahil isa rin sa ugali nating mga Pilipino ang pagiging matiisin at nagkakasya sa mga bagay na meron tayo, hindi ito nabibigyan ng tamang pansin upang mabigyan ng solusyon. Hindi ko sinasabing masama ang magtiis. Malaki ang naitutulong nito para tumaas ang endurance ng isang tao, ang totoo isa sa mabuting ugali ng mga Pinoy ang pagiging matiisin, pero isa rin sa malaking problema nating mga Pinoy ay may ugali tayo na laging nagpofocus sa problema at hindi sa solusyon, kaya sa halip na makapag-isip tayo ng solusyon para makawala sa mahirap nating buhay o dun nga sa tinatawag na Rat Race, kadalasan mas pinipili nalang nating tanggapin ang mahirap nating kalagayan.

      Ito ay kadalasang nangyayari sa ating mga pinoy na pinipiling maging empleyado kesa maging negosyante. Ang pagiging isang empleyado ay katumbas ng pagbebenta ng oras at skills o kakayahan na meron tayo kapalit ng limitado at kadalasan ay maliit na pasahod. Dahil dito, napipilitan tayong magkasya sa kung magkano ang offer ng isang company na napapasukan natin ayon sa ating pangangailangan. Kadalasan tumatanggap tayo ng salary tuwing 15th day and 30th day of the month kapalit ng oras natin ayon sa contract na pinirmahan natin sa company na naghire sa atin. Ginagawa natin ang bagay na ito sa mahabang panahon ng paulit-ulit at nagtataka tayo kung bakit walang nagbabago sa antas ng ating pamumuhay. Ito yung tintawag na Rat Race ang paulit -ulit na paggawa ng bagay na wala namang kinahihinatnan, tulad ng pagbebenta natin ng oras kapalit ang  sahod na di makasapat para sa ating pangangailangan at nangyayari ang bagay na ito araw-araw.

      H'wag mo sanang isipin na against ako sa employment, nagsimula rin ako bilang isang empleyado tulad ng karamihan sa atin. Kaya nga isinishare ang bagay na ito at ang naunawaan ko tungkol dito dahil umaasa ako na baka sakaling makatulong rin ito sayo para mapagdesisyunan mo kung ano pa ang mga pwede mong gawin na  maaring makapagpabago sa kinalalagyan mo ngayon.

Sigurado ko narinig mo na ang tanong na ganito; Bakit ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mga mahihirap lalo ring naghihirap?

      Matagal na ang tanong na yan at hindi ko alam kung alam mo na ang sagot sa tanong na yan sa isip mo. 

      Ayon kay Sir J. Paul Getty, isang billionaire ng America, ang malaking agwat raw o lamang ng mga mayayamang tao sa mahihirap ay nakadepende sa kanyang kakayanan na manipulate ang oras o yung tinatawag na TIME LEVERAGE.  Para mas maintindihan mo eto yung paliwanag:



Ang bawat tao ay binigyan ng 24 oras sa loob ng isang araw. Ito ang oras na pag-aari mo na gingamit mo sa lahat ng bagay na ginagawa mo o kahit wala kang ginagawa. Ang isang pangkaraniwang Pinoy ay gumugugol o gumagamit ng halos 8 hangang 10 oras para mag trabaho sa company na di nya pag-aari, meaning ibinebenta nya ang kanyang oras sa may ari ng company kung saan sya nagtatrabaho, 1 o 2 oras ay ginagamit nya sa bagay na nais nyang gawin, 6 hanggang 8 oras para sa pagtulog, 2 hanggang 3 oras para sa pagprepare at pagbyahe nya papunta kung saan man sya nagtatrabaho at ang konting oras na natitira ay ginagamit sa pangkaraniwang galaw ng katawan tulad ng pagkain, paglalaba, pagtambay at iba pa. Sa halimbawang ito, ang taong nagdecide upang ipagbili ang kanyang 8 hanggang 10 oras ay kinakailangang mag kasya sa halaga ng pasahod na ibinibigay ng may-ari ng company kung saan sya namamasukan. Kadalasan ito ay nagrarange lamang ng 400 to 600 pesos/day. Mas mataas ng konti dipende kung maganda ang posisyon mo sa company.

Pag-usapan naman natin ang may-ari ng company. Matalino ang taong ito, dahil alam nya ang formula ng TIME LEVERAGE binibili nya ng oras ng mga tao sa mababang halaga upang pagkakitaan nya ito ng malaki. Mas maraming oras na mabibili nya mas malaki ang kita o profit. Halimbawa nalang nito ay ang isa sa pinakamayaman sa pilipinas na si Lucio Tan. Si Lucio Tan ay nagmamay-ari ng halos 40,000 oras o higit pa sa loob ng isang araw. Paano nangyari to? Maraming tao ang nagbebenta sa kanya ng kanilang oras para makapagtrabaho sa kanyang company. Sa bawat oras na nakapagbibigay ng serbisyo o na kapaglalabas ng product ang company na pag-aari ni Lucio Tan sya ay kumikita dito. Ispin mo kung sa bawat 8 hanggang 10 oras na nabili nya sa tao ay kumita lang sya ng 100 pesos net, si Lucio Tan ay may potential income na 400,000 pesos kada araw may gawin man sya o wala.

Ito ang malaking kahalagahan ng Time Leverage. Paano mo ngayon miaapply ang Time Leverage sa sarili mo? Para magawa ang bagay na yan at nasa loob ka ng Rat Race kailangan mo muna malaman kung;

PAANO MAKALALABAS ANG ISANG TAO SA RAT RACE?

At para masagot ang tanong na ito dapat nating malaman kung ano ang pinagsimulan o kung papaano napupunta ang isang tao sa RAT RACE. Nahahabaan ka ba sa prosesso? 

     Ganun talaga pero may choice ka na tanggapin nalang ang mas mahirap mong kalagayan kesa mahirapan ka sa pagbabasa nito.

     Ngayon may idea kana na dapat talagang matuto ang isang tao na maging negosyante, dahil ito talaga ang sagot sa matagal mo nang katanungan.

PINOY FACTS :

- Marami sa ating mga Pinoy ang pinipiling maging isang empleyedo kesa maging isang negosyante.

   Ang kadalasan mong maririnig na dahilan kung bakit hindi pumapasok sa business o nagiging negosyante tayong mga Pinoy ay ang kawalan ng pera o capital na magagamit sa pagbibusiness. Totoo, isa sa pangunahing kailangan sa pagbibusiness ay ang "capital". 

Ano ba ang unang bagay pumapasok sa isip mo kapag ang pinag-uusapan ay ang salitang "capital" para makapagsimula ng business?

     Huhulaan ko, malamang ang unang bagay na naiisip mo ay PERA, tama ba? Ito kasi ang kadalasang pagkakaalam natin o yung bagay na karaniwang naituro sa atin. Ang totoo, pangalawa lang ang PERA sa capital na kailangan mo sa pagpasok sa business, ang una kasi ay ang IDEA. 

Bakit mahalagang malaman mo ito? 

     Isipin mo, marami sa ating mga Pinoy ang unang iniisip ay maghanap ng mapapasukan na trabaho, kung isa ka sa kanila, naiisip mo ba na kailangan mo rin ng pera kung gagawin mo ang bagay na ito? Oo, sigurado ako na kailangan mo rin ng pera dito, halimbawa nabigyan ka ng opportunity na makapasok sa employer sa ibang bansa, di ba kailangan mo rin ng placement fee at syempre pocket money para makapagsimula ka magtrabaho dun. Kung nagawa mo ito gamit ang pera mo, ang tanong,

bakit di mo sinubukang magnegosyo gamit ang pera mo?

Ang sagot, kasi hindi naman talaga pera ang problema ng Pinoy sa pagsisimula ng business kundi IDEA.

- Marami sa ating mga Pilipino ay tinuruan ng ating mga magulang ng ganito : "Mag-aral kang mabuti upang pagnakapagtapos ka ay makakuha ka ng magandang trabaho."

      Ito ang orientation sa marami sa atin. Ang tanong may masama ba dito? kung isa kang typical o yung mahilig manisi na Pinoy malamang iniisip mo na masama ang orientation sayo ng magulang mo. Dapat mong maintindihan na ang totoong dahilan kung bakit ganito ang naging orientation sa atin ng ating mga magulang ay ito: Nung panahon nila, mataas ang demand para sa mga professional graduate at malaki ang ibinabayad ng mga company para sa mga degree holder dahil nag-aagawan sila sa kauting bilang ng professional. Kaya ang mga magulang natin ay nakafocus na mapagtapos tayo sa pag-aaral. Ngayon dumating tayo sa tinatawag na modernization kung saan marami na ang bilang ng mga professional graduate. Mas marami na ang supply ng mga professinal kumpara sa demand ng mga company at dahil sobra ang mga professional graduate maraming company ang nagbaba ng kanilang pasahod sa mga degree holder dahil alam nila na maraming professional ang mag-aagawan para sa position na inioofer nila.

Kaya payo lang, wag mo sisihin ang mga magulang mo dahil may sapat silang dahilan.
      
- Isa sa ugali nating mga Pinoy ang pagiging sigurista.

      Isa rin ito sa madalas na dahilan kung bakit nagiging first option nating mga Pinoy ang pagiging empleyado. Syempre kadalasan sa employment may siguradong kikita ka kada 15th at 30th of the month. Ito rin ang kadalasang dahilan kung bakit tayo napupunta sa Rat Race ng di natin napapansin. Ang pangtanggap natin sa ating salary ayon sa contract tuwing ganitong petsa at ang pagtitiis na mapagkasya ito sa ating pangangailangan ay lalong nagpapahirap sa ating kalagayan sa buhay. Dahil sa paulit-ulit na pangyayaring ito, naniniwala narin tayo na walang nagbabago sa estado ng pamumuhay natin. Ang totoo, may malaking nagbabago sayo habang tumatagal ang panahon, hindi yun yung halaga ng sahod mo kundi yung edad mo.

       Habang tumatanda ka nababawasan ang opportunity mo. Totoo di ba! kung ikaw ay umabot sa 35 years old pataas mas nahihirapan kana maghanap ng trabaho dahil sa age limit policy ng mga company. Ang nangyayari, yung dating mahirap na buhay mo ay mas mahirap pa ngayon.

- Marami rin sa ating mga Pinoy ang masyadong dalubhasa sa maraming larangan, nagkoconfirm sa mga bagay-bagay kahit di pa naman natin lubos na naiintindihan, madalas nating gamitin ang salitang " Alam Ko Na Yan!"

        Marami kasi sa atin ang makakuha lang ng information kahit hindi naman kumpleto at nag-aasal na dalubhasa o professional na sa field na yun. Isa sa pinaka nagustuhan kong paliwanag ay ito, hindi dahil ikinuwento sayo ng isang professional ang lahat ng bagay na ginagawa nya at naunawaan mo sa sarili mo ay ituturing mo na professional ka na rin. "Malaki ang pagkakaiba ng narinig sa pinag-aralan." 

      Eto pa, Sabi ni Sir J. Paul Getty "No one can possibly achieve any real and lasting success or "get rich" in business by being a conformist."


- Malaking percent ng mga Pinoy ang naniniwala na ang pagsubok ng opportunity sa ibang bansa ang sagot sa mahirap nilang kalagayan.


       Alam ko na marami rin ang gumagaan ang buhay dahil dito, Kadalasan ang plano ng mga nagngingibang bansa ay upang makalikom ng pera para magamit sa paggawa ng business, ang problema kapag nakaipon na sila at wala silang idea kung anong business ang pwede nilang simulan, nauubos ulit ang naipon nilang pera at bumabalik na lang ulit sila sa ibang bansa upang magtrabaho ulit dun, ngunit katulad ng local employee hindi sila nananatiling bata kaya nababawasan ang opportunity nila habang tumatagal. Ang resulta kapag dumating na sila sa panahong di na sila pwede lumabas ng bansa para makapagtrabaho dahil sa age nila napipilitan narin silang magnegosyo.

       Mas mahirap na gawin ang negosyo pag tumanda ka na. Isa pa mag-success ka man di mo na rin halos ma-eenjoy ang magiging resulta mo. Kahit kaya ng budget mo ang mag-tour, malabo na mata mo para makita ang magandang tanawin o kaya naman di na masaya mag trek dahil masakit na ang buong katawan mo. Di mo na rin ma-eenjoy ang beach dahil delikado na para sa kalagayan mo. Kaya mas mabuti parin kung magdidecide ka ng mas maaga para kung maging successful ka ng bata ka pa, marami ka pang pwedeng gawin para masulit ang result mo.

    Ngayong malinaw na ang mga yan, at malamang isa ka sa mga halimbawa, ito yung pwede mong gawin para makawala sa Rat Race.

1.) Alamin kung ano talaga ang mga bagay na kailangan mo, gusto at mga nais mong mangyari sayo.

2.) Gumawa o magplano kung paano mo gagawin at tutuparin ang mga bagay na nais mong matapos, magset ng deadline para sa sarili.

3.) Buksan ang isip sa mga possibility h'wag laging negatibo, baka di ka pa nakapagsisimula ng business mo eh lugi ka na agad.

4.) Hindi mo pwedeng basta iwanan ang trabaho mo lalo na kung iyan lang ang cause of living mo. Ang pwede mo lang gawin ay i-plan ng maayos ang oras mo para makagawa ka pa ng ibang bagay o makapaglaan ng oras para masimulan ang pagnenegosyo.

5.) Kung nakapagdecide ka na kung anong negosyo ang gusto mong gawin, pag-aralan ang sistema ng negosyo na papasukin mo, dapat yung pwede mong applyan ng time leverage, dapat yung tipong makapagbibigay sayo ng maraming oras. Tip hindi mo kailangang bilhin ang oras ng ibang tao, lalo na kung wala kang malaking capital, may iba pang paraan para pakinabangan mo ang oras nila.

6.) Regarding dun sa alternative system ng time leverage, na pwede kang magkaroon ng maraming oras for free o di mo kailangang bilhin ang oras ng iba para pagkakitaan mo at madagdagan mo ang income mo. Pag-uusapan natin yan sa next post ko.

Happy reading, at sana marealize mo rin kung ano yung narealize ko, at makatulong ito sayo.


Richard Bleza
Ultinate Ninja Team Upline
Member

No comments:

Post a Comment