Saturday, February 22, 2014

Bakit mahalagang mabasa mo to?

Ishare ko lang, pagkatapos ko kasing marinig at mabasa ang mga lesson na ito may narealize ako, at baka sakaling makatulong rin ang lesson na ito sayo. Malaking bahagi ng lesson na ito ay nagmula sa isang successful team leader na kinabibilangan ko ngayon.

Narinig mo na ba ang salitang Rat Race?

Ayon sa  dictionary - Rat Race is a way of life in which people are caught up in an endless, self-defeating, or pointless pursuit.


      Medyo malalim at walang eksaktong meaning ang salitang ito. Sa pagkakaintindi ko, ito ay naglalarawan sa isang taong nalalagay sa isang paulit-ulit, mahirap, nakakasawa, at walang patutunguhang proseso ng buhay. 


   Marami sa atin ang nakararanas ng ganito ngunit dahil isa rin sa ugali nating mga Pilipino ang pagiging matiisin at nagkakasya sa mga bagay na meron tayo, hindi ito nabibigyan ng tamang pansin upang mabigyan ng solusyon. Hindi ko sinasabing masama ang magtiis. Malaki ang naitutulong nito para tumaas ang endurance ng isang tao, ang totoo isa sa mabuting ugali ng mga Pinoy ang pagiging matiisin, pero isa rin sa malaking problema nating mga Pinoy ay may ugali tayo na laging nagpofocus sa problema at hindi sa solusyon, kaya sa halip na makapag-isip tayo ng solusyon para makawala sa mahirap nating buhay o dun nga sa tinatawag na Rat Race, kadalasan mas pinipili nalang nating tanggapin ang mahirap nating kalagayan.

      Ito ay kadalasang nangyayari sa ating mga pinoy na pinipiling maging empleyado kesa maging negosyante. Ang pagiging isang empleyado ay katumbas ng pagbebenta ng oras at skills o kakayahan na meron tayo kapalit ng limitado at kadalasan ay maliit na pasahod. Dahil dito, napipilitan tayong magkasya sa kung magkano ang offer ng isang company na napapasukan natin ayon sa ating pangangailangan. Kadalasan tumatanggap tayo ng salary tuwing 15th day and 30th day of the month kapalit ng oras natin ayon sa contract na pinirmahan natin sa company na naghire sa atin. Ginagawa natin ang bagay na ito sa mahabang panahon ng paulit-ulit at nagtataka tayo kung bakit walang nagbabago sa antas ng ating pamumuhay. Ito yung tintawag na Rat Race ang paulit -ulit na paggawa ng bagay na wala namang kinahihinatnan, tulad ng pagbebenta natin ng oras kapalit ang  sahod na di makasapat para sa ating pangangailangan at nangyayari ang bagay na ito araw-araw.

      H'wag mo sanang isipin na against ako sa employment, nagsimula rin ako bilang isang empleyado tulad ng karamihan sa atin. Kaya nga isinishare ang bagay na ito at ang naunawaan ko tungkol dito dahil umaasa ako na baka sakaling makatulong rin ito sayo para mapagdesisyunan mo kung ano pa ang mga pwede mong gawin na  maaring makapagpabago sa kinalalagyan mo ngayon.

Sigurado ko narinig mo na ang tanong na ganito; Bakit ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mga mahihirap lalo ring naghihirap?

      Matagal na ang tanong na yan at hindi ko alam kung alam mo na ang sagot sa tanong na yan sa isip mo. 

      Ayon kay Sir J. Paul Getty, isang billionaire ng America, ang malaking agwat raw o lamang ng mga mayayamang tao sa mahihirap ay nakadepende sa kanyang kakayanan na manipulate ang oras o yung tinatawag na TIME LEVERAGE.  Para mas maintindihan mo eto yung paliwanag:



Ang bawat tao ay binigyan ng 24 oras sa loob ng isang araw. Ito ang oras na pag-aari mo na gingamit mo sa lahat ng bagay na ginagawa mo o kahit wala kang ginagawa. Ang isang pangkaraniwang Pinoy ay gumugugol o gumagamit ng halos 8 hangang 10 oras para mag trabaho sa company na di nya pag-aari, meaning ibinebenta nya ang kanyang oras sa may ari ng company kung saan sya nagtatrabaho, 1 o 2 oras ay ginagamit nya sa bagay na nais nyang gawin, 6 hanggang 8 oras para sa pagtulog, 2 hanggang 3 oras para sa pagprepare at pagbyahe nya papunta kung saan man sya nagtatrabaho at ang konting oras na natitira ay ginagamit sa pangkaraniwang galaw ng katawan tulad ng pagkain, paglalaba, pagtambay at iba pa. Sa halimbawang ito, ang taong nagdecide upang ipagbili ang kanyang 8 hanggang 10 oras ay kinakailangang mag kasya sa halaga ng pasahod na ibinibigay ng may-ari ng company kung saan sya namamasukan. Kadalasan ito ay nagrarange lamang ng 400 to 600 pesos/day. Mas mataas ng konti dipende kung maganda ang posisyon mo sa company.

Pag-usapan naman natin ang may-ari ng company. Matalino ang taong ito, dahil alam nya ang formula ng TIME LEVERAGE binibili nya ng oras ng mga tao sa mababang halaga upang pagkakitaan nya ito ng malaki. Mas maraming oras na mabibili nya mas malaki ang kita o profit. Halimbawa nalang nito ay ang isa sa pinakamayaman sa pilipinas na si Lucio Tan. Si Lucio Tan ay nagmamay-ari ng halos 40,000 oras o higit pa sa loob ng isang araw. Paano nangyari to? Maraming tao ang nagbebenta sa kanya ng kanilang oras para makapagtrabaho sa kanyang company. Sa bawat oras na nakapagbibigay ng serbisyo o na kapaglalabas ng product ang company na pag-aari ni Lucio Tan sya ay kumikita dito. Ispin mo kung sa bawat 8 hanggang 10 oras na nabili nya sa tao ay kumita lang sya ng 100 pesos net, si Lucio Tan ay may potential income na 400,000 pesos kada araw may gawin man sya o wala.

Ito ang malaking kahalagahan ng Time Leverage. Paano mo ngayon miaapply ang Time Leverage sa sarili mo? Para magawa ang bagay na yan at nasa loob ka ng Rat Race kailangan mo muna malaman kung;

PAANO MAKALALABAS ANG ISANG TAO SA RAT RACE?

At para masagot ang tanong na ito dapat nating malaman kung ano ang pinagsimulan o kung papaano napupunta ang isang tao sa RAT RACE. Nahahabaan ka ba sa prosesso? 

     Ganun talaga pero may choice ka na tanggapin nalang ang mas mahirap mong kalagayan kesa mahirapan ka sa pagbabasa nito.

     Ngayon may idea kana na dapat talagang matuto ang isang tao na maging negosyante, dahil ito talaga ang sagot sa matagal mo nang katanungan.

PINOY FACTS :

- Marami sa ating mga Pinoy ang pinipiling maging isang empleyedo kesa maging isang negosyante.

   Ang kadalasan mong maririnig na dahilan kung bakit hindi pumapasok sa business o nagiging negosyante tayong mga Pinoy ay ang kawalan ng pera o capital na magagamit sa pagbibusiness. Totoo, isa sa pangunahing kailangan sa pagbibusiness ay ang "capital". 

Ano ba ang unang bagay pumapasok sa isip mo kapag ang pinag-uusapan ay ang salitang "capital" para makapagsimula ng business?

     Huhulaan ko, malamang ang unang bagay na naiisip mo ay PERA, tama ba? Ito kasi ang kadalasang pagkakaalam natin o yung bagay na karaniwang naituro sa atin. Ang totoo, pangalawa lang ang PERA sa capital na kailangan mo sa pagpasok sa business, ang una kasi ay ang IDEA. 

Bakit mahalagang malaman mo ito? 

     Isipin mo, marami sa ating mga Pinoy ang unang iniisip ay maghanap ng mapapasukan na trabaho, kung isa ka sa kanila, naiisip mo ba na kailangan mo rin ng pera kung gagawin mo ang bagay na ito? Oo, sigurado ako na kailangan mo rin ng pera dito, halimbawa nabigyan ka ng opportunity na makapasok sa employer sa ibang bansa, di ba kailangan mo rin ng placement fee at syempre pocket money para makapagsimula ka magtrabaho dun. Kung nagawa mo ito gamit ang pera mo, ang tanong,

bakit di mo sinubukang magnegosyo gamit ang pera mo?

Ang sagot, kasi hindi naman talaga pera ang problema ng Pinoy sa pagsisimula ng business kundi IDEA.

- Marami sa ating mga Pilipino ay tinuruan ng ating mga magulang ng ganito : "Mag-aral kang mabuti upang pagnakapagtapos ka ay makakuha ka ng magandang trabaho."

      Ito ang orientation sa marami sa atin. Ang tanong may masama ba dito? kung isa kang typical o yung mahilig manisi na Pinoy malamang iniisip mo na masama ang orientation sayo ng magulang mo. Dapat mong maintindihan na ang totoong dahilan kung bakit ganito ang naging orientation sa atin ng ating mga magulang ay ito: Nung panahon nila, mataas ang demand para sa mga professional graduate at malaki ang ibinabayad ng mga company para sa mga degree holder dahil nag-aagawan sila sa kauting bilang ng professional. Kaya ang mga magulang natin ay nakafocus na mapagtapos tayo sa pag-aaral. Ngayon dumating tayo sa tinatawag na modernization kung saan marami na ang bilang ng mga professional graduate. Mas marami na ang supply ng mga professinal kumpara sa demand ng mga company at dahil sobra ang mga professional graduate maraming company ang nagbaba ng kanilang pasahod sa mga degree holder dahil alam nila na maraming professional ang mag-aagawan para sa position na inioofer nila.

Kaya payo lang, wag mo sisihin ang mga magulang mo dahil may sapat silang dahilan.
      
- Isa sa ugali nating mga Pinoy ang pagiging sigurista.

      Isa rin ito sa madalas na dahilan kung bakit nagiging first option nating mga Pinoy ang pagiging empleyado. Syempre kadalasan sa employment may siguradong kikita ka kada 15th at 30th of the month. Ito rin ang kadalasang dahilan kung bakit tayo napupunta sa Rat Race ng di natin napapansin. Ang pangtanggap natin sa ating salary ayon sa contract tuwing ganitong petsa at ang pagtitiis na mapagkasya ito sa ating pangangailangan ay lalong nagpapahirap sa ating kalagayan sa buhay. Dahil sa paulit-ulit na pangyayaring ito, naniniwala narin tayo na walang nagbabago sa estado ng pamumuhay natin. Ang totoo, may malaking nagbabago sayo habang tumatagal ang panahon, hindi yun yung halaga ng sahod mo kundi yung edad mo.

       Habang tumatanda ka nababawasan ang opportunity mo. Totoo di ba! kung ikaw ay umabot sa 35 years old pataas mas nahihirapan kana maghanap ng trabaho dahil sa age limit policy ng mga company. Ang nangyayari, yung dating mahirap na buhay mo ay mas mahirap pa ngayon.

- Marami rin sa ating mga Pinoy ang masyadong dalubhasa sa maraming larangan, nagkoconfirm sa mga bagay-bagay kahit di pa naman natin lubos na naiintindihan, madalas nating gamitin ang salitang " Alam Ko Na Yan!"

        Marami kasi sa atin ang makakuha lang ng information kahit hindi naman kumpleto at nag-aasal na dalubhasa o professional na sa field na yun. Isa sa pinaka nagustuhan kong paliwanag ay ito, hindi dahil ikinuwento sayo ng isang professional ang lahat ng bagay na ginagawa nya at naunawaan mo sa sarili mo ay ituturing mo na professional ka na rin. "Malaki ang pagkakaiba ng narinig sa pinag-aralan." 

      Eto pa, Sabi ni Sir J. Paul Getty "No one can possibly achieve any real and lasting success or "get rich" in business by being a conformist."


- Malaking percent ng mga Pinoy ang naniniwala na ang pagsubok ng opportunity sa ibang bansa ang sagot sa mahirap nilang kalagayan.


       Alam ko na marami rin ang gumagaan ang buhay dahil dito, Kadalasan ang plano ng mga nagngingibang bansa ay upang makalikom ng pera para magamit sa paggawa ng business, ang problema kapag nakaipon na sila at wala silang idea kung anong business ang pwede nilang simulan, nauubos ulit ang naipon nilang pera at bumabalik na lang ulit sila sa ibang bansa upang magtrabaho ulit dun, ngunit katulad ng local employee hindi sila nananatiling bata kaya nababawasan ang opportunity nila habang tumatagal. Ang resulta kapag dumating na sila sa panahong di na sila pwede lumabas ng bansa para makapagtrabaho dahil sa age nila napipilitan narin silang magnegosyo.

       Mas mahirap na gawin ang negosyo pag tumanda ka na. Isa pa mag-success ka man di mo na rin halos ma-eenjoy ang magiging resulta mo. Kahit kaya ng budget mo ang mag-tour, malabo na mata mo para makita ang magandang tanawin o kaya naman di na masaya mag trek dahil masakit na ang buong katawan mo. Di mo na rin ma-eenjoy ang beach dahil delikado na para sa kalagayan mo. Kaya mas mabuti parin kung magdidecide ka ng mas maaga para kung maging successful ka ng bata ka pa, marami ka pang pwedeng gawin para masulit ang result mo.

    Ngayong malinaw na ang mga yan, at malamang isa ka sa mga halimbawa, ito yung pwede mong gawin para makawala sa Rat Race.

1.) Alamin kung ano talaga ang mga bagay na kailangan mo, gusto at mga nais mong mangyari sayo.

2.) Gumawa o magplano kung paano mo gagawin at tutuparin ang mga bagay na nais mong matapos, magset ng deadline para sa sarili.

3.) Buksan ang isip sa mga possibility h'wag laging negatibo, baka di ka pa nakapagsisimula ng business mo eh lugi ka na agad.

4.) Hindi mo pwedeng basta iwanan ang trabaho mo lalo na kung iyan lang ang cause of living mo. Ang pwede mo lang gawin ay i-plan ng maayos ang oras mo para makagawa ka pa ng ibang bagay o makapaglaan ng oras para masimulan ang pagnenegosyo.

5.) Kung nakapagdecide ka na kung anong negosyo ang gusto mong gawin, pag-aralan ang sistema ng negosyo na papasukin mo, dapat yung pwede mong applyan ng time leverage, dapat yung tipong makapagbibigay sayo ng maraming oras. Tip hindi mo kailangang bilhin ang oras ng ibang tao, lalo na kung wala kang malaking capital, may iba pang paraan para pakinabangan mo ang oras nila.

6.) Regarding dun sa alternative system ng time leverage, na pwede kang magkaroon ng maraming oras for free o di mo kailangang bilhin ang oras ng iba para pagkakitaan mo at madagdagan mo ang income mo. Pag-uusapan natin yan sa next post ko.

Happy reading, at sana marealize mo rin kung ano yung narealize ko, at makatulong ito sayo.


Richard Bleza
Ultinate Ninja Team Upline
Member

Tuesday, February 11, 2014

Ano ba ang Multi-level Marketing (MLM)? at bakit kailangan ko mainvolve dito?

Tanong : Ano ba ang Multi-level Marketing (MLM)?

Sagot : Ang Multi-level Marketing (MLM) ay isang unique na method kung saan ang isang manufacturer ay nagmomove ng product sa market na halos direct sa consumer gamit ang mga sales representative o mas kilala bilang Distributors. Hindi na rin ito dumadaan sa isang typical na magastos, mahaba at mabagal proseso ng marketing at sales. "Hindi short-cut ang tawag dito, simplification." Para mas maging maliwanag bibigyan kita ng example.


Ang mga company na gumagamit ng MLM method ay hindi kinakailangang mag hire ng sarili nilang sales representative kaya nakakatulong ito upang maibaba ang cost ng operation expenses na nacocover ng payroll, nakatutulong rin ang Multi level Marketing method upang maibaba ang advertising expenses ng isang company at makapagbigay ng opportunity sa lalong maraming tao na nagnanais na pumasok sa ganitong klase ng business, sa pamamagitan ng pagshare ng product and oppotunity o yung tinatawag na SHARING mas kilala bilang INDIRECT SELLING or SPONSORING. Ang pagseshare ng product at opportunity sa public ay nagiging alternative ng advertisement. Kung magpapaadvertise ng product ang isang company, kailangan nilang magbayad ng malaking halaga para sa "Talent fee" ng celebrity para iadvertise nito ang product ng company at dahil dito isang tao lang ang nakikinabang sa malaking fund na ito ng company para sa kanilang advertisement. Ang isang MLM Company ay gingamit ang malaking halaga na ito para gawing compensation ng mga members.
"Kung may pagkain sa mesa at sobrang busog ka na, ipamahagi mo sa iba nang di ka madisgrasya."

Bilang pagbibigay linaw, ang isang MLM Company ay hindi naghahire ng kanilang sales representative, kaya nga mga taong nagiging sales representative ng company na nagpapractice ng MLM method ay tinatawag na Independent Distributor, ibig sabihin, ang sinumang independent distributor ay nagkakaroon ng sarili nyang business gamit ang Opportunity ng isang MLM Company through PARTNERSHIP. Dahil independent ang distributor wala itong nakukuhang sweldo mula sa company ngunit malaya ang isang Independent Distributor na  gamitin ang pangalan ng MLM Company, ang PRODUCT at ang lahat ng RESOURCES na nakapaloob sa MLM SYSTEM upang makapagsimula ng sariling business. "Sa mundo ng business, mabuti ang makishare, pero mas mabuti kung isa ka ring Owner."




Membership Privileges ng Independent Distributor sa MLM Company

1.) Gamit ang opportunity ng MLM Company, maliit na lamang ang capital na kailangan bitawan ng isang Distributor sa pagsisimula sariling business. 
"Pakatandaan sa mundo ng business isang bagay lang ang totoong libre... Ang Magarap."


2.) Ang Distributor ay nakatatanggap ng special distributor discounted price sa mga product ng MLM Company, dahil dito tumataas ang potential income ng isang distributor gamit ang RETAILING - ito ay sa pamamagitan ng discounted product price na nakukuha ng isang distributor at pagseshare ng product sa market under suggested retail price. May kalayaan din ang distributor na magbukas ng sarili niyang store under certain terms and conditions ng MLM Company.


3.) Ang Distributor ay tumatanggap rin ng sales commission mula sa kanyang DIRECT SALES output o yung mga product na binibili ng mga costumer hanggang sa kanyang personal purchased product. Iba ito sa discounted price na naeenjoy ng isang distributor. To make it clear this is a Sales Bonus.

4.) Ang isa sa pa sa reason ng pagamit ng MLM method ay upang maximize ang potential income ng MLM Company at ng mga taong naiinvolve o pumapasok sa MLM SYSTEM. Gamit ang concept ng SPONSORING - isang bahagi ng MLM kung saan ang isang Distributor ay may kalayaang bumuo ng gruop o organization upang mapalaki ang sales output at upang mamaximize ng distributor ang kanyang potential income. Ang isang distributor ay kinakailangang magcommit sa mga tao, kung kanino nya naishare ang opportunity, maituro ang buong papapatakbo ng MLM business at siguraduhing natutunan nito ang buong system ng MLM method upang mapakinabangan ito sa parehong paraan ng mga taong nagdecide maging bahagi ng kanyang group. Ang mga taong ito ay tinatawag na DOWNLINES. Ito ang bahagi ng MLM method na bumubuo ng MULTI-LEVEL system. Ang Ditributor na bumuo o nagpasimula ng group ay nakatatanggap ng overriding commission mula sa buong sales na nagegenerate ng lahat ng member ng group. "Kung gusto mong mapagaan at mapadali ang trabaho, mag-invite ka ng taong matutulungan mo at makatutulong sayo."


5.) Isa pa sa bahagi ng MLM method ang UNILEVEL - ito ay pagrecognize sa hard work na ginagawa ng mga distributor para maabot ang sales quota na isiniset ng MLM Company. Nagkakaroon ng ibat-ibang rank ang mga distributor dipende sa kanyang sales output at result ng buong gruop na binuo ng distrbutor. Ang pagiging consistent ng buong group sa pag-abot ng sales quota ay nakatutulong sa isang distributor para mapataas ang kangyang rank at makakuha ng panibaagong compensation base on percentage share sa sales output ng buong group na ginawa nya. Ang percentage commission mula sa sales ng buong gruop na matatanggap ng isang distributor ay nakadepende sa kanyang rank.


Bukod dito nagbibigay rin ang mga MLM Company ng iba pang bonuses sa bawat pag kakataon na naka aabot sa sales quota ang isang distributor gamit ang kanyang buong group Tulad ng Vacation trip all expense by the company.

Eto pa, may mga MLM Company na nagbibigay rin ng scholarship program para sa mga beneficiaries ng member nila. Free Medical check up, special discount privileges sa mga establishment na tie up nila, Free training course, Business KIT, life insurance at marami pang iba. kadalasan natatanggap ang lahat ng ito pag katapos mong mag join at magdecide na magsimula ng business bilang Business Partner ng MLM Company, at katulad ng nabanggit ko kanina "Maari ka nang magsimula ng sarili mong business sa mas maliit na capital gamit ang opportunity ng MLM Company."


Dapat mong malaman:



-Hindi madali ang pagsisimula ng business na ito, maaaring kasing hirap ito o mas mahirap pa sa ginagawa mo sa ngayon, pero kung ang pag-uusapan natin ay potential income ng business na ito, para kang tumaya sa lotto, ang pinag kaiba nga lang "ikaw ang kukuha ng numero na gusto mo para makuha mo ang jackpot price."



- Hindi lahat ng pumapasok sa business na ito ay tumatama ng jackpot price, kung di mo matututunan ang pinakamahalagang bahagi ng MLM method at di mo ito maiaaply ng tama sayo, h'wag kang umasa na yayaman ka, pero may dalawa kang choices sa pagpasok sa business opportunity na ito, iconvince mo ang sarili mo na kaya mong gawin ang mahirap na pagsisimula ng business na ito o sabihin mo sa sarili mo na hindi mo talaga ito kaya at magpractice ka nalang ng endurance training para tumaas ang stamina mo bilang paghahanda sa mas mahirap na buhay sa darating pang mga taon. Kung alinman dyan ang paniniwalaan ng sarili mo, panigurado TAMA KA!




TADAAN :  



"Hindi lang para sa mayayaman ang patatayo ng Business, kaya ka nagbibusiness para YUMAMAN."




Tanong: Bakit kailangan mong YUMAMAN?



"Dahil may PANGARAP ka, at alam mo sa sarili mo na di mo magagawa o maaabot ang pangarap mo kung Naghihirap ka." 




Ikaw naman ang tatanungin ko.



Bakit Kailangan mong mainvolve sa Multi level Marketing Business?




Richard Bleza

Ultimate Ninja Team
member





















Sunday, February 9, 2014

Getting Involve into Business


Let us face the reality.

These are information not a trivia:

Php 12,000.00 to 15,000.00 /month - ito yung range ng income na kaya igenerate ng isang regular or contractual workers, best budget eto lalo na kung wala kang plano mag-asawa. Kung may plano ka naman mag-asawa magsipag ka lang mag-Over Time, doblehin ang haba ng oras ng trabaho, ibudget ng mabuti ang kikitain sa OT at isave para may maipangbayad ka sa doctor at gamot pagnagkakasakit kana dahil sa sobrang pagtatrabaho mo. Masakit pa nito wala kang secure na retirement.

Php 20,000.00 to 25,000.00/month - income to nung mga nasa managerial position, fix rate at most of the time di pwedeng magfile ng OT, need to be very flexible dahil anytime pwede ka tawagan ng management to report on your duty at kahit nakauwi ka na, expect mo lang ang tawag ni boss about sa operation for the next day. Medyo masakit pero para kang prisoner na nakaresidential arrest at katulad ng halimbawa sa taas, dahil sakto lang rin ang kinikita mo sa life style mo, wala ka ring secure na retirement.

Php 30,000.00 to 60,000.00/month. Sila yung mga tao na pinipiling lumabas ng bansa at malayo sa mahal nila sa buhay para lamang maitaguyod ang kanilang pamilya. Itinuturing silang bayani tulad ni "Santa Claus". Kadalasan, nakatatanggap sila ng mahabang listahan ng kung anu-anong mga bagay kahit malayo pa ang pasko at dumodoble ang haba ng listahang ito lalo na kung nalalapit na ang pagbalik nila sa bansa. Inaakala ng mga nakakikilala sa kanila na Money Picker ang trabaho nila sa labas ng bansa. Karamihan sa kanila ay nag kakaron ng malaking savings ngunit nauubos rin agad sa bawat pagkakataon na nagbabakasyon sila sa kanilang trabaho kaya kinakailangan nilang bumalik sa bansa kung saan sila nagtatrabaho.

Php 70,000.00/month and above - magegenerate mo lang ang ganito kalaking income kung isa ka sa mga taong pumapasok sa business industries, at handang maglabas ng malaking capital, may mahabang oras para matutukan ang business at dapat marami kang energy para harapin ang mga concern ng ibat -ibang department ng business mo, tulad ng Accounting, Payroll and Book keeping, Logistics and Inventory, Human Resources and Costumer Service at syempre Marketing and Sales. Kailangan mong aralin ang lahat ng yan para masigurado mo na magiging maayos ang takbo ng business mo.

Sinubukan mo na bang tanungin yung sarili mo ng ganito - "Bakit may mga taong kumikita lang ng halos  100,000.00/year at meron din namang iba na kayang kumita ng 1,000,000.00/year o higit pa?" Ang sagot - Yung taong kumikita ng 1,000,000.00/year ay 10x na mas effective gumamit ng mga resources nya para magkaron ng ganitong klaseng resulta, kumpara sa mga taong kumikita lamang ng 100,000.00/year.

"Believe it or not we have the same resources and maybe in different amount. The amount is a big factor but most specially your effectiveness on how you will handle your resources right, to get the result you want."

Tanong - 

Handa ka na bang pumasok sa business industries para makaggenerate ka ng malaking income na gusto mo?

Papaano kung wala kang malaking capital na magagamit sa pagbibusiness? o wala kang idea kung papaano magbusiness.

Ang totoo pwede mo sabihing "konti lang ang pera ko." pero kung ang sasabihin mo ay "wala akong pera", di ako maniniwala lalo na kung 22 years old kana at di naman mayaman ang pamilya mo para gawin kang design sa sala nyo. Katulad ng sinabi ko, yung mga taong kumikita o may kakayahang kumita ng 1,000,000.00/year ay matalinong gingamit ang resources nila. Isa ang PERA sa mga resources na to. Lahat tayo ay may pera, hindi lang amount ang pinag-uusapan dito kundi yung effectiveness mo sa pagamit ng pera para magkaroon ka ng result na gusto mo gaano man kaliit o kaunti ang pera na pagsisimulan mo.

Tungkol naman sa lack of idea mo sa pagbibusiness dapat ay handa kang aralin ang business dahil malaki ang magiging pakinabang mo dito. Isipin mo nag-aral ka ng halos 10 years kung high school graduate ka o 12 years kung associate course ang natapos mo o 14 years kung degree holder ka, para lang kumikita ka ng minimum wages (150,000.00/year) o mas mataas lang ng kaunti kung mapupunta ka sa managerial posistion, Hindi naman siguro masama ang additional 6 months course para magkaroon ka ng potential income na 1,000,000.00/year o higit pa. Tanong mo - "May ganito ba talagang course o business?" ang sagot "Oo." Isa ako sa kumuha ng course na to. Marami ng taong nagpakita sakin ng result nila pagkatapos nilang gawin to, at habang inaaral mo ang course na to marerealize mo kung bakit ito ang pinakamagandang business na pwede mo simulan.

"BUSY AKO."

Ang tanong ko "saan ka busy?" kung feeling mo ay nagagamit mo ang buong oras mo at halos kulang ang 24 hours/day sayo at sa mga ginagawa mo, e malamang, busy ka nga. Tanong ko ulit - "Ok ka na ba sa pagiging busy mo?" kung Oo man o Hindi ang magiging sagot mo panigurado tama ka. Ang ORAS ay gingawa at hindi hinihintay kung kelan ka magkakaroon ng panahon sa mga priority mo. Kung di mo ito magagamit ng effective malamang masayang ang buong oras mo at kulangin ito para sa mga plano mo gawin. Isa rin ang ORAS sa mahalagang resources na sinasabi ko. Kaya nasasayo ang decision kung sa palagay mo na sa ginagawa mo ay nakukuha mo na ang result na gusto mo at wala ka nang planong dagdagan pa kung ano ang meron ka ngayon. Congratulations.

"Marami akong ginagawa, di ko sigurado kung kaya ko pang gawin yan."

Totoo, hindi lang tayo busy kundi pagod na rin tayo sa mga ginagawa natin sa araw-araw. Kung ganito ang takbo ng buhay mo at nararamdaman mong tumatanda ka na pero walang nagbabago sa senaryo ng araw-araw na pamumuhay mo, hindi na ito nakakatuwa. Try ka nang bago., maiba naman! Sayang ang ENERGY kung nauubos lang sa mga bagay na di mo naman gusto gawin o di mo naman napapakinabanganng maayos. Nasubukan mo na bang pumila sa ATM machine pag pay day tapos nung ikaw na yung magwiwithdraw  e out of order na? o kaya naman meron kang unlimited load for 1 day di mo nagamit dahil nasa work ka tapos nung gagamitin mo na para mag text mababasa mong "you don't have enough balance in you account." asar di ba. lahat yun ay pinag hirapan mo. Ngayon, kung meron kang malalamang bagay na kapag ginamit mo yung Energy, Availability and Money na meron ka kahit tag kakaunti lang at naifocus mo ito sa isang 6 months business course na may potential income na 1,000,000.00/year o higit pa. Ano kaya ang magiging sagot mo?

"Handa ka na bang magbusiness?"



Richard Bleza
Ultimate Ninja Team
member