Monday, March 17, 2014

Iteresado ka pa ba dito?


Interesado ka pa ba dito, ANO ANG IDEAL LIFESTYLE MO?
  • Gusto mo pa bang ikaw mismo ang magdesign ang Ideal Lifestyle mo?
  • Bakit ba mahalagang ilagay sa number 1 list of priorities ang pagdesign ng Ideal Lifestyle?
  • Ano ba ang nagiging sagabal o pumipigil sayo para gawin ang mga bagay na gusto mo?
  • Ano ba ang tunay o eksaktong problema sa pagpaplano ng Ideal Lifestyle?

Kung interesado ka pa sa bagay na yan, mahalagang mabasa mo ang article na ito. Ito ay summary ng mga bagay na natutunan ko mula sa book na nabasa ko sa internet. Sa ngayon tinatry ko na iapply sa sarili ko ang mga bagay na natutunan ko at isisnishare ko na rin sayo.

Naniniwala ako  na - "Isa sa dapat mong ipamahagi ay ang bagay na nakabubuti sayo."


IDEAL LIFESTYLE

To live your ideal life you must first imagine what it looks like.

Ang unang dapat mong gawin ay ilarawan mo sa isip mo o iimagine mo ang Ideal Lifestyle na gusto mo. Mas mabuti kung di ka mag-iisip ng komplikado. Ang goal ng activity na to ay upang mamalaman mo kung ano ang ideal lifestyle para sayo.

Gumawa ka ng isang list. Ganito, isulat mo sa isang papel yung mga bagay na talagang gusto mo mangyari, gawin o mapasayo. Hindi masyadong mahalaga kung makatotohanan o parang imposibleng mangyari ang mga bagay na isusulat mo, ang mahalaga ay maging malinaw ang idea mo tungkol sa Ideal Lifestyle na gusto mo.


Ano ang nagiging sagabal o bagay na pumipigil sayo?

Pag-usapan naman natin ang mga bagay na nagiging hadlang o dahilan mo at ang idea mo tungkol sa Ideal Lifestyle na prefer mo. Pagkatapos nito, pag-aaralan natin kung papaano malalapatan ng solusyon ang mga bagay na pinoproblema mo upang mapasimulan mong gawin ang idea lifestyle mo.


Mga bagay na pumipigil o hadlang sa Ideal Lifestyle mo.


  • Bakit maraming sa atin ang di makapamuhay ayon sa Ideal Lifestyle na gusto natin?
  • Mga bagay na dapat nating gawin upang masolve ang problemang ito.


Isang bagay na mahalaga mong malaman na ang mga sagabal na ito ay hindi masamang bagay. Nararanasan mo lang ang mga bagay na ito kapag gumgawa ka ng mga pagbabago at kung iniisip mong baguhin ang kalagayan ng pamumuhay mo - ngayon normal lang na makita at maranasan mo ang mga bagay na ito.

Ang totoo ang mga sagabal na yan ay normal lang na palaging nakahadlang sayo kahit ano pa man ang maging idea mo o vision mo tungkol sa Ideal Lifestyle. Kadalasan, nag-iiba lang ito ng level kung gaano kahirap kaya dapat ang solusyon na makita mo ay yung kayang iovercome ang mga problema na 'to.


Pinakamalaking hadlang na madalas nating nararanasan.


Sa palagay mo mabuti ba na may idea ka kung ano ang Idea Lifestyle na gusto mo? Pero bago mo magawa ang mga bagay na gusto mo laging present ang 2 malaking problema na to…
Time and money

Halimbawa gusto mong lumabas o magspend ng time mo para sa pamilya mo, kaibigan, katrabaho at sa mga taong gusto mong makasama o kaya naman gusto mong magtrip na hobbies mo. Para magawa mo ang bagay na'to kailangan mo ng oras at pera. Ang pagspend ng time sa pamilya ay maaaring libre o di mo kailangan ng pera pero dahil sa sobrang busy mo sa trabaho para kumita ng pera, mahirap para sayo na makapagset o makahanap ng oras mo para gawin ang bagay na to.

Dapat mong maintindihan ang matalinong paggamit sa dalawang bagay na ito, dahil malaki ang kinalaman nito sa naituro sayo kung papano mo ginagawa ang nakagisnan mong paraan ng pamumuhay. 

Isa sa mahalagang bagay na dapat nating matutunan ay kung paano tayo magkakaron ng sapat na oras at pera para gawin ang ideal lifestyle na gusto natin.

at iconsider mo rin ang isang napakahalagang asset mo. 

May mga taong nagagawang makapag-acquire o magkaron ng enough na oras at pera para magawa ang ideal lifestyle nila, pero kadalasan habang gingawa nila ang oras at pera nasasacrifice nating ang pinakamahalagang asset na meron tayo....

Health

Balewala lang ang time and money freedom na meron ka kahit gaano pa ito karami o kalaki kung hindi maganda ang kalagayan ng health mo. Makikita mo ang mga halimbawa nito sa marami sa mga magulang natin. Halimbawa ang isang retiradong empleyado na may mataas na posisyon sa company at nakaipon maraming pera sa bangko. Nagdesisyon o nakaranas ng force retirement at dahil retire na sya meron na rin syang time freedom. 

Ano sa palagay mo ang pumipigil sa kanya para gawin ang ideal lifestyle na gusto nya? Isang siguradong sagot - ito ay ang kalagayan ng health nya. Dahil ang taong ito ay nagmula sa generation kung saan ito ang itinuturo "work hard all your life and enjoy the fruits of your labor in retirement." Alam ko at alam mo kung ano ang mga naging resulta nito at hindi na to applicable sa panahon natin ngayon.


isa rin sa bagay na dapat mong bigyang pansin ay ang yung Relationship. 

Sigurado ako na marami sa atin na ang Ideal Lifestyle ay syempre yung makasama natin sa buhay yung mga special person para sa atin. Kasama rito yung special someone na gusto nating pagbuhusan ng panahon natin, mga kamag-anak, mga kaibigan at mga bagay na gustong gusto nating makamit at gawin.

Ang unang nagiging problema rito ay dahil hindi naman tayo average person. Ibig sabihin ilan lang yung mga taong nakakaintindi sa mga kabaliwan at pangarap na meron ka, Ibig sabihin bago ka magkaron o bago mo magawa ang time and money freedom mo , kaunting tao na lang ang available para makahang-out mo dahil karamihan sa kanila nakastuck sa trabaho nila.

TO BE CONTINUED PO - MAHABA ANG LESSON NA ITO AT GUSTO KONG MAISHARE AT MAGING BAHAGI KA NITO.



Richard Bleza
Team UPLINE - Ulitmate Ninja
member
 







Monday, March 10, 2014

Anong problema mo?

Complaining - is a way of expressing dissatisfaction or annoyance about a state of affairs or an event.

Ito ang isang malaking problema sa ugali ng karamihan sa atin. Marami sa atin ang nakakaalam ng problema o nagsasabi kung ano ang problema pero di naman nag-oofer ng kahit anong solusyon para maayos ang problema. 

Reality check : Ang talagang problema ikaw mismo.

Ang pagpansin sa problema na wala namang nakahain na solusyon ay gumawa lang ng lalong mas malaking problema, bakit? dahil marami sa mga tao ang may ugaling mainisi o nagiisip ng dahilan upang isisi sa iba ang problema na nakikita o hinaharap nila. Isang halimbawa nito ay ito:

Sa tuwing nalelate ka sa pagpasok sa trabaho dahil sa mahabang traffic malamang isa sa sisisihin mo ay ang masikip na daan na didaraanan mo patungo sa lugar kung saan ka nagtatrabaho. Di naman kaya ay ang layo ng distansya ng opisina mo mula sa bahay mo. 

Eto ang isa sa madalas mangyari sakin nung namamasukan pa ko, Grabe ang traffic araw-araw, kahit gaano ako kaaga umalis mula sa bahay late parin ako nakakarating sa office.

-Ang unang nakikita kong dahilan ay ang mga contractor na gumagawa ng kalsada o minsan naman linya ng tubig na kailangan dumaan sa service road mga project ng gobyerno lalo na kung nalalapit na ang election.

-Isa rin sa sinisisi ko ay ang mga kapwa ko pasehero na medyo kulang sa disiplina. Sila yung tipong itutulak ka papasok sa MRT dahil sa parehong dahilan na meron ako, malelate na rin sila pagpasok sa trabaho.

-Mga driver ng jeep na gingawang terminal ang bawat kanto ng kalsada. 

-Mga pasaway na traffic enforcer na mapapansin mo talaga dahil lalong lumalala yung traffic pag nakaduty sila.

Eto yung malaking problema ko dati at maaring problema mo rin to ngayon. Minsan nga dahil sa dami yata ng late at absences ko sa work pinatawag ako nung mismong owner ng company na pinapasukan ko. Syempre parang alam ko na kung ano ang mangyayari kaya bago pa man ako iterminate ng boss ko, gumawa na ko ng resignation letter para kahit papaano walang bad record, mahirap kasi kumuha ng bagong trabaho lalo na kung wala akong maipapasang certificate of employment dahil sa kapalpakan ko.

Ito rin yung isang event sa buhay ko na nakapagpabago ng pananaw ko, nagulat ako sa naging reaksyon ng boss ko, hindi ko manlang nakita na galit sya dahil sa poor performance ko sa work halos sobrang casual lang nung naging usapan namin. Nagbigay sya ng mga suggestions na pwede kong gawin para masulusyunan ko ang malaking problema ko sa attendance. Eto yung mga sinabi nya sakin:

-Dapat raw malaman ko muna kung ano ang eksaktong goal ko. "Hindi ka pumapasok sa trabaho para lang kumpletuhin ang oras mo ayon sa contract. Tadaan mo kaya ka nandito ay para maging bahagi ng daily operations at gumawa ng resulta, hindi ng kung anu-anong excuse."

-"Kung ang ganyan klaseng mga problema ay inientertain ko at gingawa kong excuse, sa palagay mo gumagana pa kaya ang company ko ngayon?" naisip ko malayong mangyari sa kanya yun, dahil hindi naman sya pumapasok sa office araw-araw. 

-"Ang talagang problema dito, hindi mo nakikita yung totoong problema kaya di mo magawan ng tamang solusyon. Ganito nalang ang gawin mo, umalis ka ng mas maaga bukas at kung malelate ka parin mas agahan mo pa sa susunod na araw at sa mga susunod pa hagang sa di kana nalelate. Malapit lang sa area mo yung bahay ng isa sa manager natin sumabay ka nalang sa kanya kung kailangan mo ng service."

Nung mga sumunod na araw, pinilit ko pataasin ang performance ko. Tulad ng sinabi ni boss, inisip kong mabuti kung ano nga ba talaga yung goal ko. Back to square one. 

-Bakit nga ba ako nag-apply ng trabaho sa company nya? 

-Bakit ko piniling mag-apply ng work sa lugar na malayo sa bahay kung saan ako umuuwi? 

-Ano ba talaga yung totoong problema na sabi nya na hindi ko nakikita kaya di ko masulusyonan? 

-Gumagawa lang ba talaga ako ng mga excuse?

Pagkatapos ng halos isang buwan na itama ko na rin sa wakas yung poor performance ko at di na ko nagreport ulit sa trabaho. Bakit? eto kasi yung mga naging sagot dun sa mga tanong ko:

-Una pinili kong makapagtrabaho sa company ni boss dahil kailangan ko ng pera. Panggastos sa araw-araw.

-Malayo ang company ni boss sa bahay na inuuwian ko pero pinili ko parin dahil yung company nya ang immediate  na naghire sakin nung panahong nag-aapply ako. Minimum wage at madali lang ang trabaho dahil linya ko ang work na inioffer ng company. Isa pa pro-visionary at may chance na maregular para magkaron ng stable income.

-Ang totoong problema na di ko nakikita kaya di ko masolve? Nakita ko na. AKO MISMO ang problema ko dahil nakikita ko lang ang problema pero di ako nag-iisip ng solusyon para mawala ang problema ko.

Tama si boss, gumagawa nga lang talaga ako ng excuse. Maraming paraan para kumita ng pera na di ko kailangang magpakahirap na husto at problemahin ang mga nagrerepair ng service road, mga taong kulang sa desiplina, mga driver ng jeep na makukulit at mga traffic enforcer na pasaway dahil katulad ko malamang di palang rin nila nakikita yung totoong problema nila kaya di nila masolve yung napakalaking problema na kinakaharap nila,  at tulad ko noon malamang umaangal parin sila sa mga nangyayari sa araw-araw at wala silang ibinibigay o isinasuggest na solusyon. Kung matututunan lang nating gamitin sa mas matalinong paraan ang bawat oras na meron tayo at makagagawa ng mas matalinong desisyon sa mga bagay na dapat nating unahin mas makagagawa tayo ng mas magandang resulta. 

Ngayon kung isa ka parin sa mga taong hindi pa nakikita ang totoong problema mo, sana mabasa mo to. Mas masarap kasi maging problem solver kesa maging bahagi ng problema.

X
"Maliit ang sahod na natatanggap ko at lalo pang lumalaki at nagmamahal ang mga pangangailangan ng pamilya ko. Baka hindi na magkasya ang kita ko sa mga susunod pang buwan."

O
"Maliit ang sahod na natatanggap ko at lalo pang nagmamahal ang mga pangangailangan ng pamilya ko. Gagawa ako at susubok ng mga bagay na pwede pang pagkakitaan upang maidagdag sa sahod ko at mabili hindi lang ang pangangailangan ng pamilya ko kundi pati na rin ang mga bagay na gusto ko."


Isang nakakatuwang game yung nabasa ko sa isang article sa internet, ganito yung rule, 20 Days challenge gagawa ka ng card na kasize ng calling card mga 10pcs or more at dodrowingan mo ito ng 20 squares 5 columns x 4 rows tuwing matatapos mo yung araw na hindi ka umangal lagyan mo ng check ang isang square hangang sa matapos mo ang 20 days challenge every time na magkocomplain ka o aangal ng di ka nag-ooffer ng solusyon sa bagay na iniaangal mo kailangan mo itrash yung card at palitan ng bago para makapagsimula ulit ng bilang. Pwede mo rin tong subukan at pwede ka rin magcheat. ikaw yung bahala, basta ang target ng game na to ay maimprove ang ugali ng mga taong mahilig UMANGAL.

Feedback mo ko kung ano naging result ng challenge mo.




Richard Bleza
Team Upline-Ultimate Ninja
member









-